South Korea susuporta sa modernisasyon ng AFP
MANILA, Philippines – Sa gitna na rin ng mithiin para sa mapayapang solusyon sa isyu ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea), nangako kahapon ang South Korea na susuportahan ang tropa ng militar ng Pilipinas sa pamamagitan ng modernisasyon ng mga assets at kagamitang pandigma.
Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, tiniyak ng bumisitang si South Korean Defense Minister Han Minkoo ang patuloy na suporta ng kanilang pamahalaan sa modernisasyon ng hukbong sandatahan ng bansa matapos itong makipagpulong kay Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Ang dalawang Defense official ay lumagda sa Memorandum of Agreement para sa pagpapalakas pa ng palitan ng intelligence at impormasyon sa pagitan ng dalawang magkaalyadong bansa para mapanatili ang kapayapaan sa Asia Pacific Region.
Sa kasalukuyan, ang South Korea ay isa sa mga pangunahing tumutulong sa pamamagitan ng modernong assets at equiptments para sa modernisasyon ng AFP kung saan kabilang sa huling kontrata ng pamahalaan dito ay ang pagbili ng squadron FA 50 lead-in fighter jets kung saan dalawa rito ay parating na sa darating na Disyembre.
Samantalang ang Seoul, South Korea rin ang posibleng bilhan ng Defense Department ng pamahalan ng dalawang bagong frigates matapos namang iatras na ang planong pagbili nito ng second hand na Maestrale–class frigate sa Italya dahilan sa kakulangan ng pondo.
Nabatid pa na ang South Korea rin ang nagsu-supply sa AFP ng mga troop carriers na malaki ang naitutulong sa hukbong sandatahan ng bansa.Inihayag pa ni Han na sa kanilang paghaharap ni Gazmin ay tinalakay.
- Latest