^

Bansa

PNP bagsak ang moral sa alternative truth?

Joy Cantos at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin kahapon ni Philippine National Police Chief P/Director General Ricardo Marquez na  hindi maiiwasan na bumagsak ang moral ng kanilang hanay sa isyu ng ‘alternative truth’ na kumitil ng buhay ng 44 Special Action Force (SAF) commandos noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao.

“Medyo hindi nga maganda sa morale ng tao (PNP operatives)  at yung nilalabas na kato­­tohanan dahil 44 people died, kaya nga sabi ko nga eh ang pakiramdam ko e people who are claiming they have other version of the events should provide evidence doon sa mga allegations na yun”, pahayag ni Marquez.

Sinabi ni Marquez na gaano man kasakit ang mga pangyayari , lahat ay interesado na malaman ang katotohanan sa likod ng mga lumulutang na mga pangyayari sa Mamasapano.

Ang mainit na isyu ng ‘alternative truth’ ay komento ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na pinakinggan ang pinalutang na bersiyon ng Moro Islamic Liberation Front na hindi umano SAF 44 commandos kundi aide mismo ng target na si Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan  ang nakapatay dito noong Enero 25 sa inilunsad na Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao.

Si Marwan ay may patong sa ulong $5 million  ang target ng ikinasang Oplan Exodus ng SAF commandos na kumitil sa buhay ng 44 sa mga ito habang 15 pa ang nasugatan.

Ang nasabing bersyon ng MILF ay sa gitna na rin ng pananamlay ng isinusulong na Bangsamoro Basic Law kung saan tila pinakikinggan ni Aquino ang ‘alternative truth’ na pinalulutang ng nasabing grupo sa gitna na rin ng minimithing pangmatagalang kapayapaan sa Maguindanao.

Sinabi ni Marquez na dahil dito ay ipinarerepaso na niya sa Board of Inquiry ng PNP ang  resulta ng im­bestigasyon  sa Mamasapano operation.

Sinabi naman ng isang kongresista na walang dahilan para muling buksan ang imbestigasyon sa Mamasapano incident kung wala namang credible na testigong lalabas at walang matibay na ebidensiya sa impormasyong hindi ang mga miyembro ng PNP-SAF ang nakapatay sa teroristang si Marwan.

Ayon kay Act CIS partylist Rep. Samuel Pagdilao, hindi na dapat magkaroon pa ng reinvestigation dahil muli lang umanong mananariwa ang sugat na iniwan nito sa maraming tao lalo na sa pamilyang napatay na SAF troopers. 

ACIRC

ANG

BANGSAMORO BASIC LAW

BOARD OF INQUIRY

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

MARQUEZ

NBSP

OPLAN EXODUS

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with