^

Bansa

BDO umabante sa listahan ng world’s top banks??

Pilipino Star Ngayon

?MANILA, Philippines – Umangat ang estado ng BDO Unibank (BDO) sa listahan ng Top 1000 World Banks 2015. Mula sa 268 noong nakaraang taon, nakamit nito ang ika-255 na puwesto ngayong taon. ?

Sa nasabing listahan na lumabas din sa July issue ng UK-based publication na The Banker, ipinakita na ang BDO ay “undisputed leader in the Philippines in terms of Tier-1 capital, assets, solid perfornance and robust earnings.”  ?

Noong 2014, ang BDO ay nagtala ng record net income na P22.8 bilyon dahil na rin sa masigasig na expansion ng core businesses ng bangko. Ang capital base ng bangko sa nasabing taon ay umabot sa P180 bilyon, kung saan ang capital adequacy ratio (CAR) at common equity Tier 1 (CET1) ratio ay ?parehong nakakuha ng mas mataas sa regulatory minimum na itinalaga ng Basel III framework. Ang BDO ay nagtala ng 14.6 na CAR at 12.4 na CET1.

??Ang Top 1000 World Banks ranking, simula pa noong dekada 70, ang siyang nagbabahagi ng batayan at komprehensibong kaalaman ukol sa “health and wealth” ng global banking sector. Sa pamamagitan nito, natutulungan ang mga investor sa buong mundo na i-evaluate ang “strengths and weaknesses” ng isang bangko, pangalanan ang mga posibleng partner sa hinaharap, at malaman ang “big movers” at “new arrivals” sa sektor ng pagbabangko.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG TOP

BANGKO

BASEL

BDO

MULA

NOONG

UMANGAT

UNIBANK

WORLD BANKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with