^

Bansa

PWDs, senior citizens bibigyan ng special polling precincts

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Co­melec) na hindi mahihirapan sa pagboto ang persons with disabilities (PWDs) at mga senior citizen para mas lalo silang mahikayat na magpartisipa sa 2016 national at local elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Luie Tito Ferrer, lalagyan ng special polling precincts na mas accessible para sa mga nakatatanda at may kapansanan gaya ng mga paaralan na mas madaling puntahan.

Subalit sa mga PWDs at matatanda na nais manatili sa dati nilang mga presinto ay bibigyan pa rin ng priority lane at tutulungan ng mga Board of Election Inspectors (BEIs).

Ipupwesto rin aniya ito sa ibaba upang hindi na kailanganin pang umakyat ng mga botanteng PWDs at mga senior citizen.

Ani Ferrer, layunin ng hakbang na maging ‘inclusive’ ang proseso ng eleksyon sa bansa at makapagparehistro at mapaboto ang lahat ng kwalipikadong botante, may kapansanan man sila.

Sinabi ni Guia na tra­dis­yunal na may sektor ng lipunan na hindi naaabot ng electoral process o di kaya’y hirap na bumoto, gaya ng mga PWDs at senior citizens.

Naniniwala sila sa Comelec na hindi ito dapat mangyari kaya’t gumagawa sila ng mga hakbang upang matiyak na magiging mas madali ang pagboto ng mga ito upang mahikayat silang makiisa sa halalan.

Sinabi ni Guia na sa kanilang pagpaparehistro, ang mga PWD at senior citizens ay bibigyang pagkakataon na magpasya kung nais nilang bumoto sa special polling precincts na itinalaga para sa kanila o manatili sa kanilang kasalukuyang mga polling precincts.

ACIRC

ANI FERRER

AYON

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER LUIE TITO FERRER

GUIA

IPUPWESTO

MGA

NANINIWALA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with