^

Bansa

POEA: Walang trabaho sa mga turista sa China

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang trabahong naghihintay para sa mga turista sa bansang China.

Ito ang babala ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga job seekers na nagha­hanap ng magandang trabaho sa ibayong dagat.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, dapat na maging maingat ang mga job seekers, partikular na sa mga Filipino domestic helpers sa Hong Kong at Macau, laban sa mga recruiter na nangangako na magbibigay ng trabaho sa China gamit lamang ang tourist o business visa.

Sinabi ni Cacdac na iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dumarami ang bilang ng mga undocumented Filipino workers sa China bunsod ng pangakong madali silang makakakuha doon ng trabaho.

Karamihan sa kanila ay mga domestic worker na lumipat sa mainland matapos na magtapos ang kanilang employment contracts sa dalawang administrative regions.

Ani Cacdac, hindi maaaring magtrabaho ng legal ang mga dayuhan bilang household service workers sa China, alinsunod na rin sa ipinatutupad na mahigpit na immigration policy ng naturang bansa kaugnay sa unskilled labor kabilang ang mga yaya, caregivers at household helpers.

Maging ang mga guro ay binalaan din ni Cacdac laban sa mga alok na trabaho sa internet para sa English language teaching positions sa China.

ACIRC

ADMINISTRATOR HANS LEO CACDAC

ANG

ANI CACDAC

AYON

CACDAC

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HONG KONG

ITO

MGA

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with