^

Bansa

Sayyaf idineklarang terorista

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Basilan Regional Trial Court ang desisyon ng Department of Justice na kumikilala sa Abu Sayyaf Group (ASG) bilang terorista.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, kinatigan ni Judge Danilo Bucoy ng Basilan RTC Br. 2 ang petition for proscription kontra sa ASG ng kagawaran ayon sa Human Security Act.

Ibinase ni Judge Bucoy ang desisyon sa itinatakda ng Section 3 ng Human Security Act of 2007 na nagsasaad na ang organisasyon ay tinatag para gamitin sa terorismo, lumikha ng panic at manakot ng mga tao, pilitin o puwersahin ang gobyerno na sumunod sa kanilang mga unlawful demand.

Kasunod ng desisyon ng korte, nagkaroon na ng mas matibay na posisyon ang pamahalaan para habulin ang mga miyembro ng ASG ma­ging ang mga taga-suporta at financier ng naturang terrorist group. Alinsunod ito sa Human Security Act at Terrorism Financing Prevention and Suppresion Act. 

Matatandaang itinu­ring ng Estados Unidos na ang ASG ay pang-10th terrorist group sa buong mundo, habang itinutu­ring ng United Nations ang ASG na terorista sa mga bansa sa Asya.

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ANG

BASILAN REGIONAL TRIAL COURT

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

HUMAN SECURITY ACT

JUDGE BUCOY

JUDGE DANILO BUCOY

JUSTICE SECRETARY LEILA

TERRORISM FINANCING PREVENTION AND SUPPRESION ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with