^

Bansa

Civil society, LGUs solid kay Roxas

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May 181 bagong miyembro ng Partido Liberal ang sumumpa ng kanilang suporta para sa Daang Matuwid kamakailan sa headquarters ng LP sa Cubao, Lungsod Quezon.

Ang mga bagong miyembro ay kinabibilangan ng mga congressman, mayor at kapitang barangay mula sa iba’t ibang panig ng bansa, patunay lamang ng patuloy na paglakas ng LP, ang pinakamalaking partidong pulitikal sa bansa.

Si Secretary Mar Roxas mismo ang sumalubong sa mga bagong miyembro ng LP, bilang standard bearer at personal na pambato ni Pangulong Aquino sa 2016.

“Ang partidong kinabibilangan natin ay may tinata­yuang mga matibay na mga prinsipyo,” sabi ni Roxas sa kanyang talumpati sa kanyang mga bagong kapartido. Kahit sa mga pagsubok na dumaan ay hindi natinag ang LP, kahit nung panahong oposisyon pa ito. “Hindi natinag, hindi tumiklop ang pinanghahawakan nating prinsipyo,” dagdag ni Roxas.

Mahaba at makulay ang naging kasaysayan ng Partido Liberal, simula pa lamang noong Martial Law kung saan pinangunahan ni Sen. Ninoy Aquino at Sen. Gerry Roxas, ama ni PNoy at Mar, ang laban sa diktadurya ng pamilyang Marcos.

Noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay nasa bakod ng oposisyon ang mga nakababatang Aquino at Roxas.

Pati mga civil society organizations ay nagbigay suporta na rin sa pagtakbo ni Roxas sa 2016. Mahigit na 500 civil society organizations mula sa mga sektor ng magsasaka, mangingisda, maralitang tagalunsod, persons with disability, kababaihan, kabataan, indigenous people, mga guro, retiradong pulis at sundalo, overseas Filipino workers at seafarers ang bumuo sa mga sumali sa “Bet Ko Si Mar.”

ACIRC

ANG

BET KO SI MAR

DAANG MATUWID

GERRY ROXAS

LUNGSOD QUEZON

MARTIAL LAW

MGA

NINOY AQUINO

PARTIDO LIBERAL

ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with