‘Bilang Pilipino 2016’ inilunsad ng TV5
MANILA, Philippines – Inilunsad kahapon ng TV5 ang ‘fastest, deepest at most credible election coverage sa gaganaping May 2016 national election sa bansa.
Ang launching ay isinagawa sa Marriot Grand Ballroom sa Pasay City na dinaluhan ng matataas na opisyal ng ‘Kapatid Network’ sa pangunguna ni TV5 President and CEO Noel Lorenzana.
Ang tunay at makatotohanang pangyayari sa halalan ay ihahatid sa pamamagitan ng partnership sa PLDT, Smart, Cignal, Philippine Star, Business World, Radyo Singko, InterAksyon at Bloomberg Philippines.
Ayon kay Lorenzana, bilang Pilipino ay ihahatid ‘on the spot’ ang balita at impormasyon, malalim na opinyon at talakayan hinggil sa kaganapan sa halalan.
Hinihikayat ni Lorenzana ang publiko na maging bahagi ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagboto at pagpili ng mga nararapat na maging pinuno ng bansa.
Sinabi naman ni Luchi Cruz Valdez, head ng News5, ang fastest, deepest at most credible election coverage’ ay ihahatid hindi lamang sa multi-platform distribution at kapabilidad ng PLDT Group, kung saan ay miyembro ang TV5, maging sa partnership sa civil society, academe, pribadong sektor, ahensiya ng pamahalaan, Comelec, Namfrel, PPCRV, CBCP, KBP, academic communities ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Ateneo, UP, FEU, UST; Social Weather Stations, Makati Business Club, Philippine Business for Social Progress, Philippine Chamber of Business Commerce and Industry.
Ani Valdez, mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa bilang isang Pilipino na boto sa pagbabago.
Dumalo rin sa ‘ground breaking’ si TV5 Chairman Manny Pangilinan, Philippine Star President and CEO Miguel Belmonte, Comelec Chairman Andy Bautista at iba pang media partner.
- Latest