^

Bansa

‘Kontrobersya sa housing ng Yolanda victims sagutin mo’

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binatikos ng oposisyon sa Kamara si DILG Sec. Mar Roxas dahil sa patuloy nitong pag-iwas sa umano’y kontrobersiyang kinasasangkutan ng gobyerno sa housing program ng mga biktima ng supertyphoon Yolanda.

Ayon kay IBAP partylist Rep. Silvestre Bello, senior member ng minority bloc, kailangan ni Roxas magpaliwanag sa publiko lalo na at ito ang naunang umako ng kredito sa pamamahagi ng Emergency Shelter Assitance (ESA) sa mga survivors ng naturang bagyo sa “sorties” nito.

Giit ni Bello dapat magpakalalaki si Roxas ngayon at tanggapin ang kamalian nito dahil naglabasan na ang mga problema sa implementasyon ng programa.

Ang programang ESA ay nagbibigay ng cash assistance na P30,000 at P10,000 sa mga pamilya na ang bahay ay totally o partially nasira ng bagyong Yolanda para pambili ng construction materials para muling maitindig o magawa ang mga nasirang tirahan.

Ang local government units (LGUs) na nasa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang namahagi ng cash assistance sa kanilang mga constituents habang ang DSWD ang nagmonitor sa release ng pondo sa mga benepisyaryo.

Subalit mayroong mga reklamo mula sa mga benepisyaryo na natanggap lamang nila ay P10,000 kahit na ang kanilang mga bahay ay totally damage at mga alegasyon na napunta sa “fake o ghost beneficiaries” ang pondo.

Para naman kay Anak Pawis Rep. Fernando Hicap, kailangan magpaliwanag si Roxas at ang DSWD sa nasabing korapsyon sa implementasyon ng ESA at ipakita ang totoong datos nito dahil ang huli umano nitong paghahayag ay walang problema sa Yolanda rehabilitation.

ANAK PAWIS REP

ANG

AYON

EMERGENCY SHELTER ASSITANCE

FERNANDO HICAP

MAR ROXAS

MGA

ROXAS

YOLANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with