^

Bansa

Obispo sa mga workaholic: ‘Magpahinga kayo!’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umapela si Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa mga workaholic na magpahinga rin at hindi dapat na sinasamba ang trabaho.

Ayon kay Tagle, baha­gi ng spiritual na panga­ngailangan ng katawan ay ang pagpapahinga ga­yundin ang paggunita sa “Sabbath” ang araw na itinalaga ng Diyos.

Sinabi ni Tagle na nakalulungkot na hindi na nagpapahinga ang mga manggagawa kung saan mas binibigyan ng prayoridad ang trabaho at suweldo.

“Ayaw nang magpa­hinga, kailangan sambahin ang suweldo! ‘Yung iba mayroon nang regular job, may part-time, nag-o-overtime pa, kasi parang ginagawa na nating Diyos ang trabaho,” ani Tagle.

Binigyan diin ni Tagle na mas kailangan ang pahinga dahil mas marami pa ang magagawa ng isang tao kabilang na ang pagtulong sa kapwa.

Dapat aniyang isa­isip ang pahayag ng Santo Papa na bahagi ng Christian spirituality ang pahi­nga at pagsasaya.

ACIRC

ANG

AYAW

AYON

BINIGYAN

DAPAT

DIYOS

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO TAGLE

NBSP

SANTO PAPA

TAGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with