Pork vs Bulacan solon demolition!
MANILA, Philippines – “Demolition Job!”
Ganito inilarawan ni Atty. Dennis Manalo ang mga naglabasang ulat hinggil sa paulit-ulit na pagsangkot sa kanyang kliyente na si San Jose del Monte, Bulacan Rep. Arthur Robes sa pork barrel fund anomaly.
Sa isang press conference sa Quezon City, partikular na tinukoy ni Manalo ang mga alegasyon ng dating staff ni Robes na si Bernadette Ricalde, na nagsabing ang kongresista ang nag-utos sa kanya na bumuo ng Workphil at Sagipbuhay foundations, na pawang bogus o gawa-gawa lamang para paglagakan ng pork barrel fund ng mambabatas.
Ayon kay Manalo, Disyembre pa ng 2011 nang sibakin sa trabaho si Ricalde ni Robes dahil sa mga umano’y illegal na transaksiyon nito kabilang na nga ang pagtatayo ng mga nabanggit na foundations.
Kuwestyunable aniya ang paglutang nito na halatang may pulitikong nasa likod para siraan ang kanyang kliyente.
Bagaman hindi binanggit ni Manalo kung sino ang nasa likod ni Ricalde ay sinabi naman nitong isang pulitiko mula sa San Jose del Monte, Bulacan.
Dahil dito, hindi aniya maituturing na whistleblower si Ricalde, sa halip ay kinakasangkapan umano ng isang pulitiko na may personal agenda.
- Latest