^

Bansa

Parañaque susunod na world-renown tourism city – South Korea mayor

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magiging tanyag bilang tourism city sa buong Mundo ang Parañaque City sa pagtatayo ng mga hotel resort at leisure facilities sa Pagcor Entertainment City sa Manila Bay sa lungsod.

Ito ang pagtataya ng isang delegado ng mga South Korean sa pamumuno ni Haeundae-gu, Busan City Mayor Baek Sun Ki na bumisita sa Parañaque City kamakailan.

Sinabi ni Baek na, sa malaking pag-unlad ng Entertainment City, susulong ang paglago ng lungsod sa loob ng 10 taon dahil marami pang mamumuhunan mula sa Pilipinas at ibang bansa ang maaakit dito.

Lumagda noong Bi­yernes sina Parañaque Mayor Edwin Olivarez at Baek sa isang sisterhood agreement para mapalakas pa ang economic at cultural ties ng dalawang lunsod.

“Nakakatiyak ako na magiging matagumpay na proyekto ang entertainment city na magta­taguyod sa Paranaque sa buong mundo bilang lunsod ng turismo,” sabi ni Baek na kasama ng kanyang vice mayor, walong konsehal at ilang prominenteng negos­yante.

Sinabi pa ng mga delegadong Koreano na, sa malalaking proyektong imprastrukturang ipinapatupad ng pambansang pamahalaan sa Parañaque at kalapit na mga lungsod sa ilalim ng liderato ni Olivarez, may kumpiyansa sila na susuporta ito sa pag-akit sa mas maraming turista at mamumuhunan.

Isiniwalat pa ni Baek na, noong nakaraang taon, umaabot sa isang milyong Koreano ang bumisita sa Pilipinas para sa negosyo, tu­rismo at edukasyon.

“Espesyal at malapit sa mga Koreano ang Pilipinas mula nang maitatag ang diplomatic relationship ng dalawang bansa noong 1949,” dagdaga ng alkaldeng Koreano.

Sinabi naman ni Olivarez na higit na mapapa­lawak ang pagtutulungan ng dalawang lunsod sa sisterhood agreement at maging sa Pilipinas at ng South Korea.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BAEK

BUSAN CITY MAYOR BAEK SUN KI

CITY

ENTERTAINMENT CITY

KOREANO

MANILA BAY

PILIPINAS

SINABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with