FOI, Anti-political dynasty ‘di priority
MANILA, Philippines - Dahilan sa kakulangan ng panahon kaya maisasantabi na ang mga kontrobersyal na panukala sa listahan ng mga priority measures na tututukan ng Kongreso.
Hindi na makakasama sa priority measures ng Kamara at Senado ang Freedom of Information (FOI) bill, Anti-political dynasty bill at maging ang pet measure ni House Speaker Feliciano Belmonte na resolution of both houses number 1 o ang Economic Chacha.
Sinabi ni House Majority leader Neptali Gonzales, kabilang sa priority measures na napagkasunduan ng Kamara at Senado sa pulong kahapon ng 2016 budget ang Bangsamoro Basic Law o Basic Law for the Bangsamo Autonomous Region, SK reform bill at pagtatag ng Department of Information and Communication Technology.
- Latest