^

Bansa

Trillanes most productive Senator

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanatiling si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang nangu­ngunang mambabatas sa Senado, base sa dami ng mga panukalang inisponsor at naisabatas na.

Noong nakaraan at kasalukuyang Kongreso, siya ang may pinakamaraming pambansang panukala na naisabatas. Noong 15th Congress(2010-2013), siya ay nakapagbigay-daan sa pagpapasa ng 17 batas; habang ngayong 16th Congress (2013-kasalukuyan), siya ang pangunahing may-akda ng apat (4) na batas, dagdag pa rito ang 10 panukalang naipasa na sa ikatlong pagbasa (3rd Reading).

Ilan sa mahahalagang batas na akda ni Trillanes ay ang AFP Modernization Law; Pagtaas ng Subsistence Allowance ng mga Uniformed Personnel; Sala­ry Standardization Law 3; Pagtaas ng Burial Assistance ng mga Vete­rans; Archipelagic Baselines Law; Universal Healthcare Law; Agarang pagbibigay ng benepisyo ng mga retiradong kawani ng gobyerno; PAG-IBIG Fund Law; Magna Carta para sa mga PWD; mas pinalawak na Senior Citizens Act at Anti-Bullying Act.

Aktibo rin si Trillanes sa mga imbestigasyon na may kinalaman sa mga korapsyon at iba pang anomalya sa gobyerno.

Simula ng kanyang panunungkulan, si Trillanes ay may kabuuang 1,077 panukala na naihain, 52 rito ay mga batas na.

vuukle comment

ACIRC

ANTI-BULLYING ACT

ARCHIPELAGIC BASELINES LAW

BURIAL ASSISTANCE

FUND LAW

MAGNA CARTA

MGA

MODERNIZATION LAW

NOONG

PAGTAAS

TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with