^

Bansa

Sa pagkuyog sa TV cameraman: Public apology ng INC hirit ng NUJP

Joy Cantos at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling kahapon ng National Union of Journalists of the Philippines sa liderato ng Iglesia ni Cristo na magpalabas ng public apology kaugnay sa pagkuyog at pananakit ng ilang mga miyembro nito sa cameraman ng ABS-CBN network sa kasagsagan ng kilos protesta ng mga ito malapit sa EDSA Shrine sa Ortigas, Quezon City noong Biyernes ng nakalipas na linggo.

Sa isang press statement, kinondena ng NUJP ang insidente dahilan sa hindi ito makatwiran sapagka’t ginagawa lamang ng biktimang si ABS-CBN ca­meraman Melchor Pinlac ang kaniyang trabaho.

Si Pinlac ay hinila sa leeg, sinapak sa pa­nga, katawan at likuran sabay sigaw ng ‘bias, bias’ ng INC members na kumuyog sa biktima na nagsasagawa lamang ng ‘coverage’ sa rally.

Samantalang maging si DZBB reporter Olan Bola ay itinaboy din ng INC members nang tangkain nitong awatin ang pagkuyog at pananakit laban kay Pinlac kung saan masuwerte namang hindi nasugatan ang una.

Ayon kay Rupert Mangilit, Secretary General ng NUJP, responsibilidad ng mga lider ng INC na disiplinahin ang mga mi­yembro nito.

ACIRC

AYON

BIYERNES

CRISTO

MELCHOR PINLAC

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES

OLAN BOLA

QUEZON CITY

RUPERT MANGILIT

SECRETARY GENERAL

SI PINLAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with