^

Bansa

Sa bagong P500-M PDAF scam: Enrile, Revilla, Angara at iba pa kinasuhan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinampahan kaha­pon ng kasong malversation sa tanggapan ng Ombudsman ang 20 incumbent at mga dating mambabatas kasama ang bagong laya sa piyansa na si Senator Juan Ponce Enrile, suspended Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., at dating Se­nator Edgardo Angara dahilan sa umano’y ma­ling paggamit ng Priority Development Assistance Fund na may halagang P500 milyon nang ilaan ang pondo sa walong kuwestyonableng non-government organisation.

Sa kanyang reklamo sa Ombudsman, sinabi ni Atty Levito Baligod na ang malversation ay naganap sa pamamagitan ng pagpeke sa mga public documents nang ilaan ang may P490,685,000.000 sa ibang pekeng NGOs mula taong 2007 hanggang 2009. Ang pekeng NGO ay  hindi ang  pekeng NGO ni detained businesswoman Janet Napoles.

Sa isinumiteng dokumento ni Baligod, nakasaad doon ang testimonya ng apat na saksi na nagsasabi kung paano nilustay ng naturang mga mambabatas ang kanilang PDAF sa pamamagitan ng pagpeke ng mga dokumento.

Ilan pa sa mga mam­babatas na kasama sa kasong ito sina dating House Speaker Prospero Nograles, Iloilo Representative Niel Tupas Jr. at Technical Education & Skills Development Authority Director General Joel Villanueva.

ACIRC

ANG

ATTY LEVITO BALIGOD

EDGARDO ANGARA

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

ILOILO REPRESENTATIVE NIEL TUPAS JR.

JANET NAPOLES

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

REVILLA JR.

SENATOR JUAN PONCE ENRILE

SENATOR RAMON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with