^

Bansa

Enrile, Revilla kinasuhan muli sa PDAF scam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahaharap sa kasong malversation of public funds sina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Funds (PDAF).

Ang dating abogado ng ilang pork barrel scam whistleblower na si Levito Baligod ang naghain ng kaso laban kina Enrile, Revilla at 18 iba pang mga dating politiko ngayong Miyerkules.

Kasamang inihain ni Baligod ang mga sinumpaang salaysay ng apat na testigo.

Dawit din sa kaso ang mga sumusunod na pangalan:

  •     Dating Sen. Edgardo Angara
  •     Dating House Speaker Prospero Nograles
  •     Dating Catanduanes Rep. Joseph Santiago
  •     Dating Bohol Rep. Roberto Cajes
  •     Dating Aklan Rep. Florencio Miraflores
  •     Iloilo Rep. Neil Tupas
  •     Yacap Partylist Rep. Carol Lopez
  •     Laguna Rep. Edgar San Luis
  •     Bulacan Rep. Arturo Robes
  •     Technical Education and Skills Development Authority Director General Joel Villanueva
  •     Dating Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino
  •     Albay Rep. Reno Lim
  •     Negros Occidental Rep. Julio Ledesma IV
  •     Laguna Rep. Evita Arago
  •     Pangasinan Rep. Rachel Arenas
  •     Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali
  •     Albay Rep. Al Francis Bichara
  •     Misamis Occidental Rep. Marina Clarete

Ayon sa reklamo, nakatanggap ang National Agri-Business Corporation, na hawak ng Department of Agriculture, ng P1.6 bilyon na PDAF, ngunit P500 milyon dito ang napunta sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ng umano’y pork barrel mastermind Janet Lim Napoles.

Samantala, ang natitirang pondo ay innilagak din sa iba’t ibang NGO na may kaparehong modus operandi ng kay Napoles.

Nakasaad pa na aabot sa tinatayang P490,685,000 ang PDAF na hindi ginamit ng tama.

 

AL FRANCIS BICHARA

ALBAY REP

ALFONSO UMALI

ANG

ARTURO ROBES

BULACAN REP

CAROL LOPEZ

DATING

LAGUNA REP

NBSP

REP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with