^

Bansa

12% VAT exemption ng PWDs aprub na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang ilibre sa pagbabayad ng 12 porsiyentong value added tax (VAT) ang mga “person with disabilities (PWDs) o mga taong may kapansanan.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, ang 12% libreng buwis ay bukod pa sa 20% discount na ibinibigay sa PWDs sa ilang goods at services.

Ang nasabing panukala ay bahagi ng programa ng gobyerno para tulu­ngan ang mga maysakit at mga handicapped na nakapaloob sa ilalim ng Republic Act 7277.

Ayon pa kay Angara, ang pagbibigay ng bagong discount sa mga PWDs ay naka-align sa PWD law at maging sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 o RA 9994.

Sa ilalim ng RA 7277,  o Magna Carta for Disabled Persons, binibigyan ng 20 percent discount ang mga PWD sa pagbili ng goods at services katulad ng gamot, medical at dental services, hospital at laboratory fees, local transport fares, restaurants, hotels, theaters at educational assistance.

Nakapaloob din sa panukala ang pagbibigay ng karagdagang income tax exemption na nagkakahalaga ng P25,000 sa mga nag-aalaga ng mga PWDs.

ACIRC

ANG

AYON

DISABLED PERSONS

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

MAGNA CARTA

MGA

REPUBLIC ACT

SENATE COMMITTEE

SONNY ANGARA

WAYS AND MEANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with