^

Bansa

PNoy, Abad iniimbestigahan na sa DAP

Gemma Garcia at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na rin ng Office of the Ombudsman sina Pangulong Aquino, Budget Sec. Butch Abad at iba pang opisyal na umano’y sangkot sa pagbuo at implementasyon ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa pagdalo nito sa budget hearing ng House Committee on Appropriations na nagsasagawa na sila ng moto propio investigation sa DAP kasabay ng pagsisiyasat sa mga reklamong naihain sa kanilang tanggapan kaugnay dito kung saan sina Pangulong Aquino, Abad at iba pa ang res­pon­dent.

Sa katunayan umano ay mayroon na siyang nire-review na bahagi ng investigation report kaugnay ng DAP complaints.

Subalit ngayon ay hindi pa umano niya isasapubliko ang report na ito dahil hindi ito kalakaran sa Ombudsman.

Nilinaw pa ni Morales na naglalabas lamang sila ng desisyon kung approved for filing ang kaso base sa mga natuklasan nila sa isinagawang im­bestigasyon.

Magugunitang nai­deklara kamakailan ng Korte Suprema na un­cons­titutional ang DAP.

Sinasabi dito nina Associate Justices Antonio Carpio at Arturo Brion na dapat managot sina Aquino at Abad sa ginawang pagpayag na maimplementa ang DAP.

Noo’y sinabi ni Carpio na dahil sina Aquino at Abad ang nag-apruba at nag-isyu ng NBC 541 para sa DAP ay maikokonsidera silang may akda ng naipatupad na programa.

“As authors of the unconstitutional act, they have to answer for such act,”yon kay Justice Carpio.

Sinasabi naman ni Brion na kung naipatupad ang DAP in good faith, si Aquino at Abad ay mapoprotektahan ng doktrina para rito.

ABAD

ACIRC

ANG

AQUINO

ARTURO BRION

ASSOCIATE JUSTICES ANTONIO CARPIO

BUDGET SEC

BUTCH ABAD

DAP

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

PANGULONG AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with