De Lima magbibitiw sa ‘tamang panahon’
MANILA, Philippines – Wala pang balak magbitiw si Justice Secretary Leila de Lima sa kabila ng panawagan ng Iglesia ni Cristo (INC).
Sinabi ni De Lima na magbibitiw siya sa tamang panahon at ito ay kung tiyak na siyang pumasok sa politika.
"I will resign in due time, you know when that is, when I've fully decided I'm running in 2016," pahayag ni ngayong Martes.
Kaugnay na balita: Leila pinagbibitiw
Nitong weekend ay nagsagawa ng kilos protesta ang INC laban kay De Lima dahil sa umano’y pangingialam ng kalihim sa kanilang simbahan.
Kasabay ng protesta ay nanawagan ang INC sa pagbaba sa pwesto ng kalihim.
Kahapon ay tinapos ng INC ang kanilang protesta sa EDSA kasunod ng pag-uusap nila ng gobyerno.
Iginiit ni De Lima na walang ginawang kasunduan ang dalawang panig.
"As far as I know, there is no deal struck between the two sides (government and INC)," komento niya.
"I'm asking for understanding for refusing to talk extensively for now. I don't want to be misquoted," dagdag ni De Lima na napapabalitang tatakbong senador.
- Latest