^

Bansa

OFWs sa Hong Kong nagprotesta vs Customs

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Daang overseas Filipino workers sa Hong Kong ang sumugod sa Konsulado ng Pilipinas at nagsagawa ng kilos-protesta laban sa Bureau of Customs dahil sa anila’y abusong pagbubuwis at inspeksyon sa mga balikabayan boxes.

Pinangunahan ang protesta ng Network of OFWs Opposed to Excessive Government Fees (NO Fees) coalition, Migrante-Hong Kong, Bayan Hong Kong at Macau upang ipanawagan ang anila’y hindi makatarungang panggigipit sa mga manggagawang Pinoy abroad.

Nagsimula ang pro­testa alas-11 ng umaga sa Cahter Road at sama-samang nagmartsa patungo sa Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong.

Ayon kay Connie Bragas-Regalado, ng Migrante International, isa sa kanilang hiling ay baguhin ang P600-milyong target na koleksyon sa mga balikabayan boxes ng mga OFWs.

Sinabi ni Regalado na apektado ang mga OFWs sa P600-M target collection ng BOC na nagiging dahilan ng pagkakalkal o pagbubukas nila sa mga balikbayan boxes at pagpapatupad ng kung anu-anong buwis dito.

Dahil dito, hiniling ng mga OFWs sa Hong Kong ang agarang pagbibitiw ni Customs Commissioner Alberto Lina na siyang nagpalabas ng direktiba na buksan ang mga balikbayan boxes at buwisan.

Bilang protesta, isinagawa ng mga OFWs sa ibat ibang panig ng mundo ang “zero remittance”.

Bukod dito, isinusulong ng mga OFWs ang “zero vote” campaign laban sa mga kandidato ng admi­nistrasyon sa nalalapit na halalan kapag binalewala ng gobyerno ang kanilang demand.

ACIRC

ANG

BAYAN HONG KONG

BUREAU OF CUSTOMS

CAHTER ROAD

CONNIE BRAGAS-REGALADO

CUSTOMS COMMISSIONER ALBERTO LINA

EXCESSIVE GOVERNMENT FEES

HONG KONG

KONSULADO

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with