^

Bansa

Pakikialam ni de Lima sa Iglesia ni Cristo may kinalaman sa eleksiyon?

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bahagi umano ng ‘pressure’ mula sa administrasyon ang panghihimasok ni Justice Sec. Leila de Lima sa isyu sa loob ng Iglesia ni Cristo (INC).

Naniniwala ang pamunuan ng INC na ang pagtulong ng Department of Justice (DOJ) sa itiniwalag na ministro na si Isaias Samson Jr., ay taktika ng administrasyon para i-pressure ang INC na sa kandidato ng administrasyon ibigay ang kanilang suporta sa 2016 elections.

Posible umanong iniisip ng gobyerno na kapag nagipit ang pamunuan ng INC ay itataya na nito para sa kandidato ng administrasyon ang ‘bloc voting’ kapalit ng hindi pagtutok ng DOJ sa mga reklamo at isisiwalat ng ministro.

Noong Huwebes, August 27, na ika-56 na kaarawan ni de Lima, nagsagawa ng protesta ang mga INC members sa harap ng DOJ. Marami sa kanila ay doon na rin sa kahabaan ng Padre Faura nagpalipas ng gabi.

Sigaw ng mga mga nagpoprotestang INC members, ‘bakit nanghihimasok si de Lima sa usapin sa INC?’. Nang tanungin naman sila kung iboboto si de Lima, sinabi ng mga nagpoprotestang INC members na “Hindi!”

Ang INC ay kilala sa pagbibigay ng bloc voting kaya nililigawan ng mga pulitiko kapag eleksyon. Nasa 1.37 million ng 52 million Filipino voters o 2.6% voting population ng bansa ang mula sa INC.

ACIRC

ANG

BAHAGI

CRISTO

DEPARTMENT OF JUSTICE

INC

ISAIAS SAMSON JR.

JUSTICE SEC

LEILA

NOONG HUWEBES

PADRE FAURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with