^

Bansa

‘Zero remittance day’ tagumpay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idineklarang tagum­pay ng grupong Migrante International ang isinagawang “Zero Remittance Day” kahapon ng mga overseas Filipino workers bilang proteksiyon sa kanilang karapatan na protesta sa ginawang pagbulatlat ng Bureau of Customs (BOC) at paglalapat ng dagdag na buwis sa mga balikbayan boxes na naipadadala ng mga OFWs sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas.

Ayon kay Connie Bragas-Regalado ng grupong Migrante, ang hakbang ay patunay lamang na hindi pasasanto ang mga OFWs sa anumang kagustuhan ng pamahalaan sa mga hakbangin nitong makakaapekto sa kanila, sa kabila ng ma­laking salapi na naibibigay sa pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang padalang dolyares sa Pili­pinas.

Anila, hindi totoong ‘di apektado ang bansa sa kahit isang araw na hindi pagpapadala ng pera sa mga kaanak ng mga OFWs sa Pilipinas. Sa katunayan anila, batay sa report, may milyong dolyares ang mawawala sa kita ng pamahalaan sa isang araw na “Zero Remittance’’ pa lang.

Ang mga grupo ng OFWs na nakiisa sa protesta ay mula sa Hong Kong, Taiwan, Singapore, South Korea, Japan, Middle East, Vietnam, Thailand, United States, Canada, United Kingdom, Italy, Belgium, Netherlands, Australia, Switzerland at iba pang bansa sa mundo.

Partikular na ikinagalit ng mga OFWs ang P600-million revenue target ng BOC mula sa mga balikbayan boxes.

Anila, bagamat ipinatigil na ng pamahalaan sa Customs ang pagbulatlat ng mga balikbayan boxes, hindi pa rin nareresolbahan ng gobyerno ang kanilang problema kung paano malilikom ang pe­rang nawala dahil sa mga “smuggled goods” o “non-declared goods”.

Binigyang diin pa ng grupo na dapat gawin ng pamahalaan ang ulat nitong naitigil na ang pagbubukas ng BOC sa mga balikbayan box dahil mayroon pa ring mga OFWs sa ngayon ang nagsasabing binubuksan pa rin ang kanilang balikbayan box kahit may order na ang BOC na itigil ito.

Hinikayat din ng grupo ang pamahalaan na isen­tro ng BOC ang trabaho sa pagbusisi sa mga malaking importations na hindi nabubuwisan ng maayos at mga puslit na kargamento kaysa sa mga balikbayan box ng mga OFWs na pinag-ipunan at galing sa pawis ng mga tinaguriang mga bagong bayani ng bayan.

ACIRC

ANG

ANILA

BUREAU OF CUSTOMS

CONNIE BRAGAS-REGALADO

HONG KONG

MGA

MIDDLE EAST

MIGRANTE INTERNATIONAL

OFWS

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with