^

Bansa

Odd-even ipatutupad uli vs heavy traffic sa Metro Manila

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang odd-even scheme sa mga sasakyan ang nakikitang solusyon sa lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila.

“Malapit nang ipri­senta sa akin ang iba’t ibang plano para maibsan ang siksikan ng mga sasakyan. Ang akin po: Ang pinaka-radikal dito ay hatiin ang bilang ng bumibiyaheng sasakyan-salitan ang pagbabaybay ng odd at even na plaka sa ating mga kalsada kada linggo. Pihadong luluwang ang trapik dahil kalahati ng sasakyan ang mawawala, pero sigurado pong marami na namang aalma dahil hindi magagamit ang kotse nila,” wika ng Pa­ngulo kahapon sa inagurasyon ng Sen. Neptali Gonzales academic hall sa Rizal Technological University sa Mandalu­yong City.

Naunang ipinatupad ang unified vehicular vo­lume reduction program (odd-even scheme) sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1996 bilang solusyon sa trapiko sa Metro Manila kung saan ay bawal magbiyahe ang mga odd (1,3,5,7,9) ang ending ng plate number tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes (MWF) at bawal naman ang even (2,4,6,8) ang ending tuwing Martes, Huwebes, Sabado ­(T-TH-S).

Samantala, iminungkahi naman ng kaalyado ng Pangulo na si Caloocan Rep. Edgar Erice kay PNoy na gawing traffic czar si DZMM anchor Ted Failon dahil sa puro pagbatikos nito kay MMDA Chairman Francis Tolentino sa pag­kabigo daw na ma­bigyang solusyon ang trapiko sa MM.

ACIRC

ANG

CALOOCAN REP

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

EDGAR ERICE

METRO MANILA

NEPTALI GONZALES

PANGULONG FIDEL RAMOS

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

SHY

TED FAILON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with