INC sa illegal detention case: Ano kaya ang motibo ni De Lima?
MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng Iglesia ni Cristo (INC) ang motibo ni Justice Secretary Leila De Lima sa pangingialam ng kalihim sa isinampang illegal detention case laban sa kanila.
Kasabay nito ay pinabulaanan ni INC General Evangelist Bienvenido Santiago ang paratang ng itiniwalag na ministro na isinailalimsiya at ang kaniyang pamilya sa house arrest ng ilang opisyal ng religious group.
"Ang pagsusulong ng reklamong inihain ni Samson ay napag-alaman namin na nagawa sa ilalim ng pamamatnubay ni Secretary Leila De Lima sapagkat labis at hindi pangkaraniwan 'yong atensyon na iniukol niya. Ano kaya ang motibo niya?" pahayag ni Santiago.
Kahapon ay naghain ng kasong illegal detention si Isaias Samson Jr. laban sa walong opisyal ng INC.
Sinabi ni Santiago na dapat ay pagtuunan na lamang ng pansin ni De Lima ang pagkasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force sa Maguindanao.
"Ang tanong, bakit hindi binigyan ng atensyon ng DOJ (Department of Justice) ang kaso ng 44 na sundalong napatay sa Mamasapano na kasing-tindi nung ibinibigay nila sa mga taong naghain ng reklamo sa tanggapan nila kahapon.”
Dagdag niya na nakatanggap sila ng ulat na pinoprotektahan ng DOJ ang ilang itiniwalag na miyembro ng INC.
"Gusto naming paratingin kay Sec. De Lima at sa kung sino man ang nag-uutos sa kanya na hinihiling namin ngayon, hinihiling ng Iglesia ni Cristo, sa ngalan ng mga naulila ng dalawang sundalong nasawi sa Mamasapano na mga kapatid namin sa Iglesia na pag-ukulan niya ng kasing-sigasigna pag-asikaso ang kaso ng Fallen 44," sabi ni Santiago.
Samantala, una nang sinabi ng Malacañang na may kapangyarihan ang gobyerno na imbestigahan ang umano’y pagdukot sa ilang miyembro ng INC.
- Latest