^

Bansa

Abi Binay sa Blue Ribbon Committee: Imbitahin niyo ko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinamon ni Makati City Rep. Abigail Binay ngayong Miyerkules ang Senate Blue Ribbon subcommittee na imbitahan siya sa mga pagdinig tungkol sa umano’y pangungurakot ng kanilang pamilya.

Sinabi ni Binay na nais niyang maipagtanggol ang kanilang pamilya laban sa mga paratang na ibinabato sa kanila.

"Imbitahin n'yo ko para rin naman makasagot kami at mapaglaban naman namin yung mga kasinungalingan na sinasabi niyo sa amin. Name the day, I'll be there," pahayag ng kongresista na inakusahan na may mga iregularidad sa kaniyang  Priority Development Assistance Fund.

Hinamon din ni Binay si Sen. Antonio Trillanes IV na isiwalat ang umano’y 15 tseke na binigay niya kay dating Makati Social Welfare Development Department head Ryan Barcelo.

"It is the city treasurer that is issuing the check to Ryan Barcelo. Kaya nga ang sabi ko sa kanila, ilabas n'yo 'yung tseke na sinasabi n'yo, tingnan natin kung ako 'yung signatory ng tseke na 'yan," wika ni Binay.

Iginiit niya na hind siya ang pumipirma sa mga naturang tseke.

Samantala pinuna rin ni Binay ang milyung-milyong ginastos umano ni Trillanes para sa kaniyang mga consultants.

"Kung sana man lang ginagamit po ni Senator Trillanes 'yung 55 consultant niya eh tama 'yung intelligence na nakukuha niya... 'Yun naman ho ang problema kasi lagi siyang naglalabas ng isyu o pasabog niya na hilaw. Kaya he is the boy who cried wolf. At the end wala namang maniniwala sa kanya," banggit ng kongresista ng Makati.

vuukle comment

ABIGAIL BINAY

ANG

ANTONIO TRILLANES

BINAY

HINAMON

KAYA

MAKATI CITY REP

MAKATI SOCIAL WELFARE DEVELOPMENT DEPARTMENT

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

RYAN BARCELO

SENATE BLUE RIBBON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with