^

Bansa

P3.1 B mawawala sa ‘zero remit’ ng OFWs

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa P3.1 bilyon ang mawawala sa ekono­miya ng bansa sa loob lamang ng isang araw kung matutuloy ang isinusulong na “Zero Remittance Day” ng mga overseas Filipino workers ngayong weekend sa gitna ng ‘balikbayan box’ controversy.

Ito ang naging babala kahapon ni Senator Francis “Chiz” Escudero kaugnay sa napaulat na banta ng mga OFWs.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang personal remittan­ces mula sa mga OFWs noong 2014 ay umabot sa all-time high na $26.93 bilyon na kumakatawan sa 8.5 percent ng gross domestic product noong nakaraang taon.

Sa unang bahagi ng 2015, iniulat ng BSP na ang personal remittances mula sa mga OFWs ay tumaas ng 6.2 percent at umabot sa $12.7 bilyon mula sa $11.9 bilyon sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Ang pinagsama-samang remittance ng mga Filipino workers sa buong mundo ay may average na P2.014 bilyon kada buwan mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Ayon kay Escudero, ang isang araw na boykot sa remittance ay nanga­ngahulugan ng $67 milyon o P3.1 bilyong kawalan sa ekonomiya (sa exchange rate na P46.61).

AABOT

ACIRC

ANG

AYON

BANGKO SENTRAL

CHIZ

ENERO

HUNYO

ITO

SENATOR FRANCIS

ZERO REMITTANCE DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with