^

Bansa

Cayetano nagprisintang maging presidential bet ng LP at NPC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ni Sen. Alan Peter Cayetano ngayong Martes na ipinrisinta niya ang kaniyang sarili sa Liberal Party(LP) at Nationalist People’s Coalition (NPC) na maging presidential candidate para sa 2016 elections.

"Totoong pine-presenta ko ang sarili ko sa NPC, sa LP as president pero meron daw silang sarili nila," kuwento ni Cayetano sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.

Si Interior and Local Government Secretary Manuel "Mar" Roxas II ang napili ng LP, habang nagpahayag ng suporta ang NPC kay Sen. Grace Poe.

Sinabi ni Cayetano na bukas din siya sa pagtakbong bise president, ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa rin siyang desisyon.

Aniya kukumpirmahin niya ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na tatlong linggo.

Sinabi pa ng senador na secretary-general ng Nacionalista Party (NP) na handa silang makipag-alyado kahit kaninuman maliban sa partido ni Bise Presidente Jejomar Binay dahil sa mga umano’y maanomalyang proyekto niya.

 

ALAN PETER CAYETANO

ANIYA

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

CAYETANO

GRACE POE

LIBERAL PARTY

NACIONALISTA PARTY

NATIONALIST PEOPLE

NEWS CHANNEL

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with