Enrile balik Senado na
MANILA, Philippines – Balik trabaho na ngayong Lunes si Sen. Juan Ponce Enrile matapos makapagpiyansa sa kasong plunder.
Nitong nakaraang linggo ay nakalabas ng Philippine National Police General Hospital ang 91-anyos na senador kasunod ng pagpayag ng Korte Suprema na makapagpiyansa siya sa halagang P1.45 milyon.
Sen. Juan Ponce Enrile is back to work at the Session Hall, gets a warm welcome from @bongbongmarcos. | @xtinamen pic.twitter.com/f6QoeLSz2q
— The Philippine Star (@PhilippineStar) August 24, 2015
Bukod dito ay nagbayad din ng P59,400 sa kaniyang bill sa ospital.
Hiniling ng kampo ni Enrile na makapagpiyansa siya dahi sa kaniyang katandaan at kalusugan.
Senate Minority Leader JPE reports back to work at the Senate after being detained for 1 year | @hey_marv pic.twitter.com/63gOjuGSHV
— The Philippine Star (@PhilippineStar) August 24, 2015
- Latest