Bangka nasira: 7 tripulante nailigtas
MANILA, Philippines – Nailigtas ang pitong crew ng M/B Alad Express 1 na may kargang 400 tangke ng liquified petroleum gas (LPG) matapos magkaaberya ang makina dahil sa masamang panahon kahapon ng umaga sa pantalan ng Bansud, Oriental Mindoro.
Natagpuan ng mga mangingisda at nailigtas ang 7 tripulante mula sa paanod-anod na bangka at halos lubog na sa dagat malapit sa Banton Island sa Romblon.
Nabatid na noong Biyernes ng umaga nang maglayag ang nasabing bangka patungo sa San Agustin, Tablas Island sa Romblon subalit inabot ito ng malakas na alon at hangin kaya pinasok ng tubig ang makina nito at masira.
Naipaabot naman sa Philippine Coast Guard –Romblon Station ang pagkasira ng bangka sa pagitan ng Sibale Island sa Calapan, Mindoro at Corcuera Island sa Romblon subalit hindi kinayang respondehan bunga ng sobrang malakas at malaking alon.
Bumalik ang mga tauhan ng Coast Guard na sakay ng motor boat at inabisuhan na lamang ang mga barkong naglalayag na saklolohan kung sakaling madadaanan.
- Latest