^

Bansa

State of calamity sa Ilocos Norte

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinailalim na kahapon sa state of calamity ang Ilocos Norte dahil sa matinding pinsalang tinamo sa  pana­nalasa ng bagyong Ineng na tumama sa Northern Luzon.

Base sa ulat ng Office of Civil Defense, ang pagsa­sailalim sa state of calamity sa Ilocos Norte ay bunga ng special session kahapon ng tanghali ng  provincial board na pinamunuan ni Ilocos Norte Vice Governor Angelo Marcos Barba.

Sa tala ng pamahalaang Ilocos Norte, umaabot sa 9,402 pamilya (40,998-katao) mula sa 136 barangay ang naapektuhan ng bagyo partikular na ang malawakang pagbaha.

Umaabot naman sa 8,422 kabahayan ang lubog pa rin sa tubig-baha kung saan 903 bahay ay hindi pa mapuntahan habang nasa 700-katao ang nasa evacuation centers.

Sa inisyal na ulat ay nasa P8 milyong halaga ang naging pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura at pangisdaan na inaasahang tataas pa habang patuloy ang pangangalap ng ulat sa mga apektadong bayan.

Nabatid na bunga ng malakas na pagbuhos ng ulan at  pagbaha ay sinuspinde na ni Gov. Imee Marcos ang klase sa lahat ng antas hanggang Lunes.

Umabot naman sa P140,000 halaga ng mga relief goods ang naipalabas at naipamahagi ng lokal na pamahalaan sa mga evacua­tion sites.

Kabilang ang Ilocos Norte sa dumanas ng matinding hagupit ng bagyong Ineng kung saan nakataas ang Public Storm warning signal number 2 at sa Batanes Group of Islands.

Sa kasalukuyan, patuloy na binabayo ng bagyong ­Ineng ang Ilocos Norte at iba pang lugar sa Northern Luzon.

Ang nasabing bagyo ay inaasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility sa Lunes.

ACIRC

ANG

BATANES GROUP OF ISLANDS

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE VICE GOVERNOR ANGELO MARCOS BARBA

IMEE MARCOS

INENG

NORTHERN LUZON

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PUBLIC STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with