^

Bansa

Kamara ‘di titiklop sa demand ng MILF sa BBL

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi bibigay si House Speaker Feliciano Belmonte sa demand ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ibalik ang 28 probisyon na inalis ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro sa Basic Law for the Bangsamoro Autonomous (BLBAR).

Sinabi ni Belmonte na mabigat at metikuloso ang naging trabaho ng Kamara sa BBL para mailapat ang mga amyenda sa panukala upang masiguro na susunod sa Konstitusyon ang lahat ng probisyon.

Naniniwala rin ito na kung maaaprubahan ang kanilang bersyon ng BLBAR ay malapit na ito sa bersyon ng Senado kaya hindi mahihirapang tuluyang magpagtibay ito.

Nakiusap naman si Speaker sa mga nakalistang interpellators sa BLBAR na tiyaking present sa plenaryo para matuloy ang kanilang oras ng debate sa panukala.

Sakaling wala umano ang mga ito ay kakaila­nganin nang ibigay ang kanilang slot sa ibang interpellators para hindi maantala ang proseso sa BLBAR.

ACIRC

ANG

BANGSAMORO

BANGSAMORO AUTONOMOUS

BASIC LAW

BELMONTE

HOUSE AD HOC COMMITTEE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

KONSTITUSYON

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with