^

Bansa

Enrile laya na, nagpiyansa ng P1.5M

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakalabas na ng kulungan kagabi si Sen. Juan Ponce Enrile matapos magpiyansa ng P1.5 milyon sa Sandiganbayan para pansa­mantalang makalaya sa kinakaharap na kasong graft at plunder na may kinalaman sa pork barrel scam.

Pasado alas-6 ng gabi ng dumating sa Sandiganbayan 3rd Division si Enrile na sinamahan ng kanyang mga abogado na maghapong naghintay para sa kopya na pinapayagan na magpiyansa ang senador.

Kasunod nito ay nag­labas ng produce order ang anti-graft court na inuutusan naman ang PNP na dalhin si Enrile sa Sandiganbayan para personal na piyansahan ang sarili.

Matapos maglagak ng P1.5 milyong cash, P1 milyon sa plunder at P500,000 sa graft, ay agad dumiretso si Enrile sa kanyang bahay sa Dasmariñas, Makati.

Niliwanag ng Korte Suprema na ang pagkakaroon ng sakit at katandaan ni Enrile ang dahilan ng ginawang pagpayag na makapagpiyansa ang senador.

Ang kasong plunder ay non-bailable offense.

ACIRC

ANG

ATILDE

DASMARI

ENRILE

JUAN PONCE ENRILE

KASUNOD

KORTE SUPREMA

MAKATI

MATAPOS

SANDIGANBAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with