^

Bansa

Pensiyonado, OFWs protektahan vs investment scammers - Salceda

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kailangan ng bansa at mga empleyado, pensiyonado at OFWs ang matibay na kalasag laban sa mga investment scammers o mandurugas na nais kamkamin ang kanilang mga savings o naipon.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, sadyang target ng mga scammers ang mga retiradong pensiyonado at OFW ng mga scammers dahil hindi sila gaanong protektado ng batas.

Napakalaki ang “idle savings” ng Pilipinas na aabot sa P3 trilyon na sapat na para burahin ang kahirapan sa bansa, ngunit hindi ito wastong nagagamit dahil sa mga “structural imbalances” ng ekonomiya kaya karaniwang nabibiktima ang mga OFW at pensiyonadong naghahanap ng investment kung saan kikita naman ang kanilang naipon.

Isang respetadong ekonomista na naging tagapayo ng mga Pa­ngulo ng bansa, tinutukoy ni Salceda ang kasalukuyang malaking savings ng mga Pinoy na katumbas ng 42% ng Gross Domestic Product at ang mababang investment rate na katumbas ng 22% ng GDP na ang kumbinasyon ay lumilikha na malaking savings na aabot sa P3 Trilyon, ayon sa 2013 World Bank data on Philippine Investments and Savings.

Ang naturang savings ay lalo pang pinalalaki ng mga OFW remittances na ang malaking bahagi ay nailalagay sa mga pro­perty investments gaya ng bahay at condominiums. Dahil dito dapat din silang maprotektahan dahil tila may scam na rin sa pre-sales ng mga condo, dagdag niya.

Kaugnay nito, ipinapanukala ni Salceda na amyendahan ang RA 9710 na kilala bilang Magna Carta for Women, at gawin itong Magna Carta for Women, Senior Citizens and Retirees, at palakasin ang mga panuntunan nito laban sa mga ganid na “marketing and financial predators.”

vuukle comment

ACIRC

ALBAY GOV

ANG

GROSS DOMESTIC PRODUCT

JOEY SALCEDA

MAGNA CARTA

MGA

PHILIPPINE INVESTMENTS AND SAVINGS

SALCEDA

SENIOR CITIZENS AND RETIREES

WORLD BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with