Mga pasaway na school canteen, binalaan ng DepEd
MANILA, Philippines – Binalaan ng Department of Education (DepEd) ang mga pasaway na school canteen na nagtitinda pa rin ng softdrinks at junk food sa mga estudyante.
Bunsod nito ay hinimok ni DepEd Assistant Sec. Tonisito Umali ang publiko, partikular na ang mga magulang, na kaagad na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga school canteen na patuloy pa ring nagbebenta ng softdrinks at mga junk foods sa mga mag-aaral.
Nakasaad sa kautusan ng DepEd ang mahigpit na pagbabawal sa pagbebenta ng mga di masustansiyang pagkain sa mga paaralan tulad ng softdrinks at junk foods.
Aniya, ang maaari lamang ipagbili sa mga school canteens ay juice drinks, mga prutas, mga tinapay at pagkaing masustansiya para sa mga bata.
- Latest