Binay sa mga botante: Tanggapin ang pera pero bumoto na may konsensya
MANILA, Philippines — Binalaan ni Bise Presidente Jejomar Binay ang mga botante sa mga mamumudmod ng pera kapalit ng kanilang boto sa eleksyon 2016.
Sinabi ni Binay sa kaniyang talumpati sa ika-68 na founding anniversary ng Sultan Kudarat na walang mali sa pagtanggap ng pera dahil mula naman ito sa pondo ng bayan.
"Tangapin ninyo ang perang galing sa kanila, pero bumoto nang ayon sa inyong kunsensya. 'Yan namang perang 'yan ay pera ng bayan," wika ng Bise Presidente.
Ginamit na rin niya ang pagkakataon upang pagsumpain ang ilang bagong miyembro ng kaniyang partidong United Nationalist Alliance.
Kasama ni Binay sa entablado sina Philippine Councilors' League chairperson Alma Moreno, Sultanate of Sulu scion Jacel Kiram at Leyte Rep. Martin Romualdez na pawang nagpahayag ng kanilang pagtakbo sa senado sa susunod na taon.
Samantala, ipinagmalaki rin ng Bise Presidente ang kaniyang mga nagawa noong alkalde pa lamang siya ng lungsod ng Makati.
"Ang aking mga katunggali ay pangako nang pangako. Ako nagawa na po ang lahat ng 'yan.”
- Latest