US sa China: Code of conduct sa WPS igalang
MANILA, Philippines – Nanawagan muli kahapon ang Estados Unidos sa China na landasin ang mapayapang pamamaraan sa pagresolba ng isyu sa pakikipag-agawan ng teritoryo sa Pilipinas at iba pang bansa habang iginiit rin na nanatili ang suporta nito sa modernisasyon sa mga assets at kagamitang pandigma ng Armed Forces of the Philippines.
Ang panawagan ay ginawa ni US Ambassador Philip Goldberg sa ginanap na blessing at turnover ng sampung bagong combat utility at attack helicopter ng Philippine Air Force sa Villamor Air Base na dinaluhan rin ng matataas na opisyal ng defense at AFP sa pamumuno ni Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Kahapon, personal na sinaksihan ni Goldberg ang turnover ceremony para sa 8 Bell-412 combat utility helicopters at dalawang AW 109E attack helicopter mula sa Anglo –Italian supplier na Augusta Westland.
Sinabi ni Goldberg na nais ng Estados Unidos na sumunod ang China sa Code of Conduct upang mapayapang resolbahin ang isyu sa sigalot sa teritoryo at iginiit na suportado ng kanilang pamahalaan ang pagbili ng karagdagang mga modernong assets at iba pang mga kagamitang pandigma ng AFP.
- Latest