^

Bansa

Mandatory drug test sa drivers magpapalala lang ng korapsiyon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pabor si Quezon City Rep. Winnie Castelo sa panukalang ibalik ang mandatory drug testing sa mga driver ng sasakyan dahil magiging daan lang umano ito para lumala ang korapsyon sa Land Transportation Office (LTO), ang ahensiyang nagre-regulate sa mga sasakyan at drivers.

Sinabi rin ni Castelo, chairman ng House committee on Metro Manila development, maaa­ring mabuhay din umano ng mandatory drug tes­ting ang dating corrupt practice kung saan nagbabayad ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na drivers sa ilang drug testing clinics para maglabas ng clearance na negatibo ito sa illegal drugs o makipagsabwatan sa ilang korap na LTO personnel.

Madalas din umanong tumitigil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang driver, dalawang araw bago ang takda nitong drug tests upang walang makitang droga sa kanyang tests.

Dagdag pa ni Castelo, napatunayan din ng committee on Dangerous Drugs na hindi epektibong panghadlang ang mandatory testing sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng mga drivers.

Sa halip ay iminungkahi ng kongresista ang pagpapalakas ng random drug testing kung saan hindi ina-anunsiyo ang gagawing tes­ting sa mga driver na magrerenew o kukuha ng kanilang lisensiya.

Ang pinakahuling aksidente na kinasasangkutan umano ng driver na nagpositibo sa paggamit ng droga na ikinasawi ng apat katao ay indikasyon para magpatupad ng mandatory random drug testing.

ACIRC

ANG

CASTELO

DAGDAG

DRUG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MADALAS

METRO MANILA

QUEZON CITY REP

SINABI

WINNIE CASTELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with