^

Bansa

Debate sa substitute bill ng BBL sisimulan ngayon ng Senado

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siniguro ni Sen. Bongbong Marcos na mas malawak ang saklaw ng Basic Law on Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR) kumpara sa Bangsa­moro Basic Law (BBL) version ng Malacañang.?

Ayon kay Sen. Marcos, hindi lang ang mga kasapi ng MILF ang makikinabang nito kundi lahat ng sector sa Mindanao katulad ng mga Indigenous People, Sulu Sutanate, mga grupong Kristiyano at iba pa.

“I believe we tried very hard to be fair to everyone concerned,” wika pa ni Marcos sa inihanda nitong kapalit ng BBL.

Aniya, tinanggal nila ang mga probisyon na nagbubuo ng sariling pulisya, Ombudsman, BIR na sa kanilang pananaw ay labag sa saligang batas at ang P75 bilyong pondo bawat taon na hinihingi nito.

Paliwanag ni Marcos, uumpisahan na nila ngayon (Lunes) ang deliberasyon sa kanyang substitute bill kung saan 14 senador ang nagpahayag ng interes na makikipag-debate.

Nanindigan din si Marcos na wala siyang pakialam kung kailan maipapasa ang BLBAR at ang mahalaga sa kanya ay maging maayos ito at hindi makukwestyon sa Korte.

ACIRC

ANG

ANIYA

ATILDE

AYON

BANGSA

BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION

BASIC LAW

BONGBONG MARCOS

INDIGENOUS PEOPLE

SULU SUTANATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with