^

Bansa

Presidential debate suportado ni Miriam

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinuportahan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang plano ng Commission on Election na magkaroon ng debate ang mga kandidato sa Presidential elections sa 2016.

Sinabi ni Sen. Santiago, nakasaad na ito sa kanyang panukalang Presidential Debate Reform Act na ikinasa niya noong Oktubre 2013 at naglalayon namang magbuo ng Presidential Debate Commission.?

Sa pamamagitan ng debate sa pagitan ng mga kandidato sa presidente at bise-presidente ay masusuri ng mga botante ang kakayahan ng mga kandidato.

Aniya, bubuuin ng anim na miyembro ang Presidential Debate Commission na mula sa pamahalaan, academe at non-profit organizations.

Magtatalaga ng dalawang miyembro ang Presidente na halaw naman sa mga nominado na galing sa dalawang dominanteng partido pulitika.

Habang ang apat ay pipiliin ng Senate President at House Speaker at mga majority leader ng dalawang kapulungan.

ANG

ANIYA

HABANG

HOUSE SPEAKER

MAGTATALAGA

MGA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

OKTUBRE

PRESIDENTIAL DEBATE COMMISSION

PRESIDENTIAL DEBATE REFORM ACT

SENATE PRESIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with