^

Bansa

Bagyo papasok sa Miyerkules

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posibleng pumasok sa bansa sa Miyerkules ang isang panibagong bagyo.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Jun Galang sa panayam ng DZMM na kapwa ganap nang tropical storm ang dalawang sama ng panahon na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Isa rito ay may international name na “Goni” at nasa layong 2,650 kilometro (km) silangan ng Katimugang Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 80 kph. Kumikilos ito pa-kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Kung hindi ito magbabago ng galaw, posibleng sa Miyerkules ito pumasok ng PAR at tatawaging Bagyong “Ineng.”

Maliit ang tsansa nito mag-landfall o tumama sa kalupaan bagama’t paiigtingin naman nito ang Habagat na siyang magdadala ng mga pag-ulan.

Dagdag pa ni Galang, dadaan ang bagyo sa rutang, “parang ‘yun pong dinaanan ni [Bagyong] Hanna dati, sa upper right corner lang po ng PAR natin. Ganoon din po halos ang track niya.”

Samantala, ang isa pang bagyo sa labas ng bansa ay may international name na “Atsani” at huling namataan sa layong 4,270 km sa silangan ng Gitnang Luzon.

Taglay nito ang lakas na katulad ng kay Goni at kumikilos din sa parehong bilis, pa-kanluran.

Pero bukod sa dalawang bagyo, mayroon pang pangatlong namumuong sama ng panahon sa labas ng PAR bagama’t pumoporma pa lang ito at hindi pa ganap na sama ng panahon.

ACIRC

ANG

ATSANI

BAGYONG

GITNANG LUZON

GONI

JUN GALANG

KATIMUGANG LUZON

MIYERKULES

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

TAGLAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with