PWDs matik ng PhilHealth members
MANILA, Philippines – Awtomatiko na ang pagiging PhilHealth members ng persons with disabilities (PWDs), ito’y kung mapagtitibay ang House Bill 5939 o pag-amyenda sa Magna Carta for Disabled Persons o Republic Act (RA) No. 7277.
Sang-ayon sa 2010 census, nasa 1.6 milyong PWDs ang dapat mabigyan ng suporta at ayuda lalo na sa pangangailangan sa pangkalusugan.
Sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), hindi pa sapat ang health care services na nakukuha ng mga ito.
Panukalang kunin sa National Health Insurance Fund (NHIF) ang pondo para ma-enroll sa PhilHealth ang mga ito.
Galing naman sa sin tax ang pondo ng NHIF.
Inatasan na ang Department of Health at Department of Social Welfare and Development sa pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) para rito.
- Latest