^

Bansa

Unconstitutional provisions burado: BBL tigok na! - Marcos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idineklara ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos  Jr. na tuluyan ng namatay ang Bangsamoro Basic Law (BBL) dahil karamihan sa mga probisyon nito ay napalitan na sa kanyang substitute bill.

Sinabi ni Sen. Marcos, chairman ng Senate committee on local government, nakahanda siyang ipagtanggol ang kanyang panukala sa sandaling magsimula na ang deli­berasyon nito sa Lunes.

“I now declared that Bangsamoro Basic Law (BBL) is dead, we have a substitute bill that includes all stake holders,” pahayag ni Marcos.

May kabuuang 17 senador ang lumagda sa kanyang committee report at karamihan sa kanila ay nagpahayag na magtatanong sila sa deliberasyon sa Lunes.

Wika pa ni Marcos na baka abutin sila ng anim na linggo para matapos ang deliberasyon dahil may mga ilang mahahalagang batas pa katulad ng 2016 national budget ang pagtutuunan ng pansin.

Sa panig naman ni Sen. Serge Osmeña, mahihirapang maipasa ang nasabing panukala sa taong ito sa kabila na pahayag ni Senate President Franklin Drilon na magi­ging payoridad nila ang pagpasa ng BBL.

Aniya, abala ang Senado sa budget hearing at abala na rin ang mga senador at kongresista sa pangangampanya kaugnay sa darating na 2016 elections. (Rudy Andal)

ACIRC

ANG

ANIYA

ATILDE

BANGSAMORO BASIC LAW

BONGBONG

DRILON

FERDINAND

NBSP

RUDY ANDAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with