^

Bansa

Panibagong istruktura itatayo na naman ng China sa WPS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panibagong istraktura ang plano na namang itayo ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Defense spokesman Peter Paul Galvez, magbubunsod sa mas matindi pang krisis sa rehiyon kung ipagpapatuloy ng China ang paglabag sa Declaration of Conduct on South China Sea.

“This is the worst stage of all, this is the militarization stage, and it must be stopped, otherwise, it will be the tipping point that will plunge the entire region including the peace loving Chinese communities into a deeper and irreversible crisis,” pahayag ni Galvez.

Sinabi ni Galvez bagaman pansamantalang inihinto ng China ang reclamation activities sa pinagtatalunang teritoryo pero inianunsyo na magtatayo ng panibagong reclamation sa lugar bilang suporta sa search and rescue operations ng kanilang bansa.

Inakusahan naman ng AFP ang China ng pagpapatuloy ng reclamation activities sa pitong reefs and islets sa ilalim ng Kalayaan Islands Grouup (KIGs) sa Spratlys.

Kabilang dito ang Subi Reef na may anim na insidente ng harrassments laban sa pagpapatrulya ng tropa ng Pilipinas sa lugar kung saan iginigiit ng China na pumapasok sa teritoryo ng kanilang bansa ang mga piloto ng Philippine Air Force (PAF).

Ang China ay nagtayo rin ng runway sa nasabing reef na maaring mag-accommodate ng aircraft ng China sa pinagtatalunang teritoryo.

“For whom are those search and rescue facilities for? Is it for our ships and installations that they are threatening to destroy?” kuwestiyon ni Galvez.

Kaugnay nito, inihayag ni Galvez na nagpahayag ng interes ang Japan na magsagawa ng mas malaki pang exercises sa Pilipinas sa hinaharap partikular na ang amphibious landing exercises at amphibious operations.

Si Admiral Kawano ay nagsagawa ng courtesy call sa tanggapan ni AFP Chief Hernando Iriberri sa Camp Aguinaldo noong Miyerkules. (Joy Cantos)

ANG

ANG CHINA

CAMP AGUINALDO

CHIEF HERNANDO IRIBERRI

CHINA

DECLARATION OF CONDUCT

GALVEZ

JOY CANTOS

KALAYAAN ISLANDS GROUUP

PETER PAUL GALVEZ

PHILIPPINE AIR FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with