^

Bansa

Services caravan sa Cebu BPOs, kasado – Mar

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinakasa na ni outgoing DILG Secretary Mar Roxas sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Cebu ang isang government services caravan para umikot sa mga opisina ng mga Business Processing Outsourcing (BPO) companies sa Cebu para sa kapakanan ng libu-libo nitong mga empleyado.

Nabuo ang inisyatibang ito pagkatapos bumisita ni Roxas kahapon sa Cebu at nakipag-usap sa ilang mga empleyado ng BPO habang nag-aagahan sa isang fast food chain doon. Marami sa mga call center employees ang nagtatrabaho sa gabi o sa tinatawag na ‘graveyard shift’ di tulad ng ibang empleyadong alas otso hanggang alas singko ng hapon.

“Maa-access na nila ang serbisyo ng gobyerno nang hindi kinakailangang pumunta sa head office,” sabi ni Roxas. 

Magiging one-stop shop ang mga service caravan na ito para maayos ang kanilang mga problema sa PhilHealth, PAG-IBIG, SSS at NBI clearance. Ikinatuwa naman ni Cebu Governor Hilario “Junjun” Davide III ang proyektong ito dahil maraming Cebuano ang mas madaling maaabot ang mga serbisyo ng pambansang pamahalaan.

Inilapit din ng mga call center workers kay Roxas ang kanilang iba pang hinaing tulad ng dagdag seguridad mula sa PNP lalo na sa gabi tuwing uuwi sila mula sa trabaho. Agad namang inatasan ni Roxas ang PNP para maigtingin ang police visibility sa Cebu lalo na sa gabi para sa kaligtasan di lamang ng mga call center agents pati na rin ordinaryong mamamayan.

Matatandaang si Roxas ang tinaguriang Ama ng BPO Industry dahil sa mga hakbang niya noong siya pa ang kalihim ng Department of Trade and Industry sa administrasyong Estrada. Dito naipasa ang E-Commerce Act at ilan pang batas at regulasyon na nakatulong mapadali ang pagnenegosyo rito ng mga kumpanya ng BPO.

Sa ngayon ay nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo sa mga voice related services at may tinatayang 1,000,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa industriyang ito.

ACIRC

ANG

BUSINESS PROCESSING OUTSOURCING

CEBU

CEBU GOVERNOR HILARIO

CEBUANO

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

E-COMMERCE ACT

MGA

ROXAS

SECRETARY MAR ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with