^

Bansa

Uber at Grabcar huhulihin na ng LTFRB simula sa Aug. 21

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa darating na August 21, huhulihin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pumapasadang Uber taxi at Grabcar taxi sa Metro Manila.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB, itinakda na ng ahensiya na hanggang August 20 na lamang ang palugit upang makakuha ang mga ito ng akreditasyon at franchise para makapasada.

Hangang sa ngayon anya, ang sikat na ride-sharing online-providers na Uber at GrabCar ay hindi pa nakakakuha ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS) accreditation at franchise.

Sinasabing ang Uber at Grabcar ay kinabibilangan ng mga private cars na magmi-miembro sa dalawang kumpanya para makapaghatid sundo sa mga destinasyon ng mga pasahero sa pamamagitan lamang ng on line.

Dumami umano ang miembro nito sa ngayon dahil sa napapagkakitaan na ng mga may-ari ng private cars ang kanilang sasakyan sa pamamagitan ng pagmiembro sa Uber at Grabcar kahit walang franchise.

Sinasabing parang “barker” lamang ang Uber at Grabcar ngayon dahil nagtatawag sila ng mga pasahero gamit ang private cars kayat pinakikialaman na ng LTFRB dahil sa nagrereklamo na ang mga legitimate taxi operators na nakukuha ang kanilang mga pasahero ng mga private cars na miyembro ng Uber at Grabcar.

vuukle comment

ANG

ARIEL INTON

AYON

DUMAMI

GRABCAR

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

MGA

SINASABING

TRANSPORTATION NETWORK VEHICLE SERVICE

UBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with