^

Bansa

Bonifacio Global City umangat

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Plano na rin ng mga top financial regulator na ilipat ang kanilang mga head office sa Taguig matapos sunud-sunod na maglipatan ang mga nangungunang national at multinational corporations.

Kabilang sa mga ito ang Philippine Stock Exchange (PSE), Securities and Exchange Commission (SEC) at Insurance Commission (IC) na nauna nang nag-anunsiyo sa kanilang plano na ilipat ang kanilang headquarters sa Bonifacio Global City.

Ang Intellectual Pro­perty Office (IPO) at ang Philippine Chamber of Commerce Inc. (PCCI) naman ay nakalipat na sa BGC.

Ikinatuwa naman ni Mayor Lani Cayetano ang mga tinawag nitong “new partners” ng lungsod. Sinabi ng alkalde na ang desisyon ng mga itong ilipat ang kanilang mga tanggapan sa BGC at ang ilang daang korporasyon na nauna na sa mga ito ay nagpapatunay sa tumataas na kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa Taguig.

“Ang plano ng mga top business regulator ng bansa na lumipat sa Taguig ay indikasyon ng mataas na kumpiyansa sa BGC na isang fast-rising at high- flying financial center ng bansa,” pahayag ni Mayor Lani.

Iginiit ni Mayor Lani na ang sinusunod na business model ng lungsod ay ang pagpapatupad ng no corruption, lower taxes, better services at business policies, at no number coding.

“Dito sa Taguig, madalas tayong nakakukuha ng vote of confidence mula sa iba’t ibang mga negosyo na itinuturing nating mga katuwang sa development. Sila’y aming nire­respeto na kung saan ipinapakita namin na ang kanilang mga buwis ay tunay na napupunta sa mga mamamayan ng Ta­guig,” pagmamalaki pa ni Mayor Lani.

Ilang mga negosyo na ang naglipatan sa lungsod, kabilang dito ang Coca-Cola Bottlers Philip­pines, Inc., Coca -Cola Foundation Philippines, Inc., East West Bank.

Ang BGC ay tahanan na rin ngayon ng mala­laking kumpanya tulad ng Smartmatic Philippines, Inc.; Manila Water Company, Inc.; Hewlett-Packard AP LTD-Phil.: Sony Philippines, Inc.: Sun Life Corporation; at ang Hongkong and Shanghai Banking Corp. Limited.

Nasa Taguig na rin ngayon ang mga promi­nenteng law firm na Abello Concepcion Regala & Cruz (ACCRA Law) at ang Villaraza Cruz Marcelo & Angangco (CVC Law).

Maging ang mga nangungunang acade­mic institution ay nagtatayo na rin ng kanilang mga gusali sa lungsod tulad ng University of the Philippines at ang De La Salle University. Ang Korte Suprema  ay binabalak na ring lumipat sa BGC.

ABELLO CONCEPCION REGALA

ACIRC

ANG

ANG INTELLECTUAL PRO

ANG KORTE SUPREMA

BONIFACIO GLOBAL CITY

COCA-COLA BOTTLERS PHILIP

COLA FOUNDATION PHILIPPINES

MAYOR LANI

MGA

TAGUIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with