Poe hindi kuntento sa trabaho ng DOTC sa MRT
MANILA, Philippines — Dismayado si Sen. Grace Poe sa aniya’y mabagal na pagsasaayos sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT).
Sinabi ni Poe na balak niyang ipatawag ang Department of Transportation and Communications (DOTC) at pamunuan ng MRT pag dating ng mga bagong tren.
"I think it’s still very slow. Para sa akin mas marami sana silang magagawa pa, kaya nga ipapatawag ko ulit sila sa hearing, pag na-deliver na yung prototype na sinasabi nila," pahayag ng senadora na siya ring chair ng Senae public services committee ngayong Huwebes.
"Kasi marami doon sa kanilang mga target deliverables hindi pa naman nabibigay... Hindi talaga ako kontento sa kanilang ginagawang trabaho," dagdag niya.
Maraming katanungan si Poe tulad ng pagpapagawa ng common stations at ang umano’y maanomalyang maintenance provider.
"Marami, maraming questions dito sa MRT. Pati yung common stations na masyado ng na-delay. Dati pa dapat natapos pero ano na ang nangyari doon,” banngit ng senadora.
"At saka ano na ba ang nangyari dito sa maintenance provider natin. Sino na ngayon ang ating maintenance provider at ano ang gagawin natin sa long term maintenance ng ating MRT?"
Muling tinalakay sa senado kanina ang kasalukuyang kondisyon ng MRT.
Bukod kay Poe, kinuwestiyon na rin ni Bise Presidente ang operasyon ng naturang linya ng tren.
Nitong Abril ng nakaraang taon ay nakipila si Poe upang makasakay ng MRT upang maranasan ang pinagdadaanan ng mga pasahero nito.
- Latest