IRR ng Cybercrime Law simula na
MANILA, Philippines – Pormal nang inilunsad kahapon ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Cybercrime Prevention Act matapos ang tatlong taon nang maipasa ito bilang ganap na batas.
Nakasaad sa IRR na P50 milyon ang ilalaang pondo taun-taon para sa pagpapatupad ng batas at ito ay ilalagay sa pamamahala ng DOJ-Office of Cybercrime.
Ilan sa mga krimeng nasa ilalim ng Cybercrime Law ay illegal access o iligal na pagpasok sa isang computer system, cybersquatting o pagkuha ng isang domain name sa internet na ang layunin ay manira ng reputasyon o para mapagkaitan ang iba na makapagparehistro sa nasabing pangalan, cybersex, pornography, pati na ang kontrobersyal na e-libel.
October 9, 2012 nang magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa Cybercrime Law at noong February 18, 2014, naglabas ito ng desisyon na nagdedeklarang constitutional ang probisyon na nagtatakda ng parusa sa orihinal na may-akda ng isang libelous post.
- Latest