Petisyon vs Poe kulang – Carpio
MANILA, Philippines – May nakitang “deficiency” o kakulangan ang Senate Electoral Tribunal sa isinumiteng petisyon ni Rizalino David laban kay Sen. Grace Poe na kumuwestyon sa citizenship at residency ng senadora.
Kaugnay nito, sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio, head ng SET na uutusan muna nila si David na ayusin o kumpletuhin ang mga kakulangan bago mag-schedule ng meeting ang mga miyembro ng tribunal.
“We will order the petitioner to correct certain deficiencies and after that we will meet,” ani Carpio.
Nagtungo kahapon si Carpio sa Senado upang kausapin sa isang closed-door meeting si Senate President Franklin Drilon tungkol sa usapin ng West Philippine Sea.
Hindi naman tinukoy ni Carpio kung ano ang mga nakita nilang deficiency o kakulangan sa petisyon laban kay Poe.
Nang tanungin kung lulutasin ng SET ang kaso kontra Poe, bago ang filing ng certificate of candidacy, “We will try to settle it as soon as possible,” ani Carpio.
- Latest